Kung mahalal bilang pangulo, gusto ni Partido Reporma presidential bet Senador Panfilo Lacson na muling ibalik ang Pilipinas bilang miyembro ng Rome Statute na siyang nagbuo ng International Criminal Court (ICC).

“The answer is yes. Kasi dyan na tayo nagsimula — well kailangan ikonsulta ito sa ating foreign policy managers or ‘yong mga advisers. But ang initial reaction ko is yes, kasi ‘yan ang court para sa powerless,” sabi ni Lacson sa online interview ng mga reporter.

“But again kailangan alamin natin kasi kulang pa tayo sa datos — kasi after all ang foreign policy natin dapat naka-anchor palagi sa national interest, ano ba ‘yong mapapangalagaan natin na national interest kung babalik tayo sa Rome Statute,” dagdag nito.

Noong Marso 2019, pormal na tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa Rome Statute, sa paniniwalang may sabwatan ang United Nations at ICC na kulayan siya bilang human rights violator dahil sa kanyang kampanya kontra droga.

Nangyari ang pag-atras nang maghain ang ilang grupo ng reklamo labay kay Duterte dahil sa krimen ginawa nito bunsod ng kanyang naging papel sa war on drugs.

Noong Setyembre 15, inatasan ng Pre-Trial Chamber ng ICC si dating prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng imbestigasyon kay Duterte patungkol sa drug war mula noong panahon na naging mayor ito ng Davao City hanggang sa maging pangulo ito. (Dindo Matining)

The post Ping ibabalik ‘Pinas sa Rome Statute first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ping-ibabalik-pinas-sa-rome-statute/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ping-ibabalik-pinas-sa-rome-statute)