Pumanaw na ang isa sa mga haligi ng Filipino folk music na si Heber Bartolome, ayon sa kanyang kapatid.
Si Bartolome ay pumanaw sa edad na 74.
“Nawalan siya ng pulso kaya dinala sa Veterans,” saad ng kanyang kapatid na si Jesse sa ulat ng ABS-CBN nitong Lunes.
Binuo ni Heber, kasama si Jesse at isa pa nilang kapatid na si Levi, ang bandang Banyuhay na siyang nagpasikat sa kanila noong dekada ’70.
Tampok sa mga awiting pinasikat ng Banyuhay ang ‘Tayo’y Mga Pinoy’ at iba pang mga Pinoy folk song.
“Isa siyang haligi ng Pinoy rock. May social relevance ang mga gawa niya. Pero may love songs din siya,” dugtong pa ni Jesse.
Bukod sa pagiging musikero, isa ring pintor si Heber.
Nagtapos si Heber sa University of the Philippines at nagturo rin ng Filipino literature sa De La Salle University kung saan ilan sa kanyang mga naging estudyante sina Gary Valenciano at Ralph Recto. (mjd)
The post Pinoy music icon Heber Bartolome pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-music-icon-heber-bartolome-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-music-icon-heber-bartolome-pumanaw-na)
0 Mga Komento