Muling binuksan ni Marc Pingris ang kanyang karera sa basketball para maglaro sa Nueva Ecija sa gaganaping 2021 Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational Cup sa Disyembre.

Ayon sa ulat ng Tiebreaker Times, ang coach ng Nueva Ecija na si Charles Tiu ang nagkumpirma ng muling pagbabalik ni Pingris sa hardcourt.

“It’s an honor to have him on our team,” saad ni Tiu. “We are all very excited to have Pingris on board with us.”

“One of the greats In Philippine basketball. We’ve been planning this for a while.”

Inanunsyo ni Pingris ang kanyang pagreretiro sa PBA noong Mayo, matapos ang 17 taon sa liga.

Si Pingris ay isang nine-time champion sa PBA, at ilang beses ding naging parte ng Gilas Pilipinas, partikular ang koponan na sumalang sa 2014 World Cup sa Spain. (mjd)

The post ‘Pinoy Sakuragi’ sasalang sa MPBL first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-sakuragi-sasalang-sa-mpbl/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-sakuragi-sasalang-sa-mpbl)