Nagbabala ang Philippine Embassy sa US sa mga Pilipino na puntirya umano ng panloloko gamit ang embahada.

Sinasabi umano ng mga scammer na may koneksiyon sila sa Philippine Embassy o sa Philippine Ambassador.

Dagdag nito, social media ang daan ng mga scammer para mambiktima ng mga Pilipino.

Kaya pinaalalahanan nila ang mga Pilipino na tiyaking sa official at verified email, Facebook, Twitter at Instagram account ng PH Embassy nakikipag-ugnayan.

Dapat din umanong mag-ingat lalo na kapag hinihingi na ang kanilang personal at banking information o hihingan ng pera, at i-report ito sa embahada o sa Consulate General.

The post Pinoy target ng scam sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-target-ng-scam-sa-us/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-target-ng-scam-sa-us)