Maglalabas si Vice President Leni Robredo ng COVID-19 response plan sa November 3, Miyerkoles.

Inanunsyo ito ng presidential aspirant sa isang video message sa kanyang Facebook page.

Laman ng recovery plan ang kanyang balak para makabangon sa COVID-19 pandemic sakaling mahalal siya bilang Pangulo sa 2022.

“Tomorrow, we will be releasing a video. It is about COVID-19 recovery plan. Base ito sa pakikipag-usap natin sa mga eksperto, kasama na dito ang mga epidemiologist, mga public health consultants, mga ekonomista, at iba pa,” ani Robredo.

Idinagdag pa niya na ang gagawing hakbang ay nakabase sa aktuwal na karanasan ng mga naapektuhan ng pandemya.
Hinikayat din ni Robredo ang mga tagasuporta na magsuot ng damit na kulay pink sa November 3. (Sherrylou Nemis)

The post Plano vs COVID pandemic ilalatag ni Robredo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/plano-vs-covid-pandemic-ilalatag-ni-robredo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=plano-vs-covid-pandemic-ilalatag-ni-robredo)