Pinatay ng mga armadong lalaki ang isang pulis at kinidnap ang limang Chinese national malapit sa isang minahan sa southeast Democratic Republic of Congo.

“An armed group exchanged fire with police. Five Chinese nationals were kidnapped,” sabi ni Major Dieudonne Kasereka, ang tagapagsalita ng army sa rehiyon.

Ayon sa local official at army spokesperson, hindi malinaw kung sino ang nagsagawa ng pag-atake malapit sa Mukera sa South Kivu province.

Dagdag pa ng mga ito matagal na may alitan sa pagitan ng mga mine company ng China at mga lokal na awtoridad.

Sinabi na ang ilang kumpanya ay ilegal na nago-operate kahit walang lisensya.

Noong Agosto, sinuspinde ng gobernador ng South Kivu, Theo Kasi, ang operasyon ng anim na maliliit na kumpanya ng mga Chinese. Sumiklab ang mga protesta sa ilang lugar matapos hindi agad nagsara ang mga kumpanya. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Pulis pinatay, 5 Chinese kinidnap ng mga armadong lalaki first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-pinatay-5-chinese-kinidnap-ng-mga-armadong-lalaki/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulis-pinatay-5-chinese-kinidnap-ng-mga-armadong-lalaki)