Inendorso ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa kanyang vice presidential bid para sa eleksyon 2022.

Si Sotto ay ama ni QC Vice Mayor Gian Sotto, na running mate ni Belmonte.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Belmonte na si Sotto ang kanyang personal choice. “This is not official, this is my personal choice. Members of the (local party of Quezon City) are free to choose their own candidate, but I hope that the party supports the father of the president officer of the city council,” sabi ni Belmonte.

Sabi pa Belmonte, hindi pa siya nakakapili ng kanyang kandidato para sa pagkapangulo subalit may gugustuhin niya iyong makakabuti sa bansa at sa kanilang lungsod; makatao at walang personal na interes.

Ang Quezon City ay may tinatayang 1.2 milyong rehistradong botante noong 2019 midterm elections. (Dindo Matining)

The post QC mayor Belmonte bet si Sotto para VP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/qc-mayor-belmonte-bet-si-sotto-para-vp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=qc-mayor-belmonte-bet-si-sotto-para-vp)