Inanunsyo ng pamahalaan ng Quezon City na muling pagbubukas sa publiko ng Quezon Memorial Circle (QMC) simula November 2 hanggang November 5, alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ipinaalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang mga mamamasyal na sundin ang bagong health and safety protocols sa pagbubukas ng QMC.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga batang mababa sa four feet ay dapat samahan ng solong guardian sa mga palaruan. Pahihintulutan sila sa loob ng playground nang hindi bababa sa isang oras upang magbigay ng oras sa ibang mga bata. Ganoon din para sa mga gagamit ng kagamitan sa Fitness Trail.

Upang mapanatili ang seguridad, isang mobile patrol mula sa Quezon City Police District (QCPD) ang roronda sa parke.

Kinakailangang ipakita ng mga nasa hustong gulang ang kanilang ‘Kyusi Pass QR code’ o magparehistro para sa contract tracing sa pagpasok sa parke. (Sherrylou Nemis)

The post Quezon Memorial Circle pwede na ulit pasyalan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quezon-memorial-circle-pwede-na-ulit-pasyalan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=quezon-memorial-circle-pwede-na-ulit-pasyalan)