Ritz Azul itinali sa unang jowa

Nagpakasal na si Ritz Azul nitong Sabado sa Baguio City sa kanyang unang naging boyfriend na si Allan Guy.

Ibinahagi ni Ritz ang larawan ng kasal sa isang Instagram post.

https://www.instagram.com/p/CWgMB8cvcF5/?utm_source=ig_embed&ig_rid=061ff882-53c5-4872-96cb-b9055e2f463f

Na-engage ang dalawa noong 2020.

Matatandaang sa isang panayam noong 2017 ay sinabi ni Ritz na hindi pa siya nagkaka-jowa, at hindi rin naman mataas ang kanyang standard sa lalaki.

“Hindi naman mataas ang standards ko. Gusto ko lang ‘yung genuine, may respect, God-fearing, more on sa loob. Hindi ako masyado tumitingin sa physical,” saad noon ni Ritz. (mjd)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Ritz Azul itinali sa unang jowa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ritz-azul-itinali-sa-unang-jowa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ritz-azul-itinali-sa-unang-jowa)