Pabirong sinabi ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na dapat kalmado lang ang mga tagasuporta sa kabila ng mga balita ng mga gustong kumandidato sa 2022 election.

Pahayag ni Robredo sa kaniyang Twitter account nitong Sabado na dapat “chill” lang ang mga sumusuporta sa kaniya.

Makikita rin sa tweet ang video ni Robredo kasama ang kaniyang mga tagasuporta na sumasayaw sa kanta ni Taylor Swift na “22”.

“Dami nangyayari‍. Pero gaya ni Mareng Taylor: I don’t know about you, but I’m feeling ‘22. Chill lang tayo‍,” saad nito sa kaniyang Twitter.

Ang tinutukoy ni Robredo sa ginamit na pamagat na kanta ni Taylor Swift ay ang susunod na taon, 2022, kung kailan gaganapin ang susunod na halalan.

Noong Sabado, naghain ang kampo ng presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-bise presidente sa susunod na taon.

At sa kaparehas na araw, naghain ng kaniyang COC para sa pagka-presidente si Senator Christopher “Bong” Go.

Dagdag pa riyan, inanunsyo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na maghahain si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang COC para sa bise presidente sa Lunes, Nobyembre 15. (Sherrylou Nemis)

The post Robredo chill lang sa darating na eleksyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-chill-lang-sa-darating-na-eleksyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=robredo-chill-lang-sa-darating-na-eleksyon)