Bangungot ang simula nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons sa 20th Asian Senior Beach Volleyball Championships 2021 nitong Miyerkoles sa Bang Tao Beach ng Phuket, Thailand.

Dalawang beses tumilapon ang Philippine 1 duo sa Pool D laban kina Japanese pair Asami Shiba at Takemi Nishibori 21-13, 20-22, 12-15, at kina Taravadee Naraphornrapat at Worapeerachayakorn Kongphopsarutawadee ng host nation, 9-21, 14-21.

May 1-2 win-loss slate naman ang PH 1 tandem nina Dij Rodriguez at Gen Eslapor para umabante sa Round of 16 ng torneo.

The post Rondina, Pons doble olats first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rondina-pons-doble-olats/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rondina-pons-doble-olats)