Buo na ang pasya ni Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbo sa pagka-senador para sa 2022 elections.

Ganap na alas-2 ngayong hapon ay magtutungo sa Commission on Elections (Comelec) office sa Intramuros si Roque para maghain ng kanyang certificate of candidacy .

Tatakbo ang kalihim sa ilalim ng People’s Reform Party ng yumaong si Senadora Miriam Defensor Santiago.

Dahil dito, ngayong Lunes ang magiging huling press briefing ni Roque bilang tagapagsalita ng MalacaƱang.

Matatandaang inihayag ni Roque na tatakbo lamang siya sa pagka-senador kung tatakbo sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Gayunman, posisyon sa pagka-bise presidente ang pinili ni Mayor Sara matapos maghain ng substitution
noong Sabado. (Aileen Taliping)

The post Roque tutuloy na sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-tutuloy-na-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-tutuloy-na-sa-senado)