Pinadali na para sa mga residente ng San Juan City ang pagrerehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys) National ID dahil gagawin na ito sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Pinaalala naman ni San Juan Mayor Francis Zamora na hindi maaari ang walk-in, at dapat na magtungo sa mga barangay hall para makakuha ng schedule sa PhilSys registration.

Para sa mga nais kumuha ng National ID, magdala lamang ng isang valid ID tulad ng passport, driver’s license o UMID card.

Kung wala nito, alternatibo ang dalawang secondary ID tulad ng PhilHealth card, voter’s ID o kayang TIN ID.

Nilagdaan sa batas ni Pangulong Duterte noong Agosto, 2018, ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act, ay naglalayong magtatag ng isang pambansang ID para sa lahat ng Pilipino. (Sherrylou Nemis)

https://www.facebook.com/MayorFrancisZamora.1/posts/10158743150413163

The post San Juan kinasa National ID registration kada barangay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/san-juan-kinasa-national-id-registration-kada-barangay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=san-juan-kinasa-national-id-registration-kada-barangay)