Tinuldukan na nina Shawn Mendes at Camila Cabello ang dalawang taon nilang relasyon nitong Huwebes (oras sa Pilipinas).

Ayon sa ulat, parehong naglabas ang dalawa ng pahayag sa kanilang mga Instagram account tungkol sa kanilang desisyon.

“Hey guys, we’ve decided to end our romantic relationship but our love for one another as humans is stronger than ever,” saad sa post.

Bagamat tapos na umano ang kanilang relasyon bilang mag-dyowa, tuloy pa rin naman daw ang turingan nila bilang matalik na kaibigan.

“We started our relationship as best friends and will continue to be best friends,” dugtong pa ng statement. “We so appreciate your support from the beginning and moving forward.”

Nagsimula ang dating stage ng dalawa noong Hulyo 2019, at inakala ng marami na hindi na ito maghihiwalay pa. (mjd)

The post Shawn Mendes, Camila Cabello hiwalay na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/shawn-mendes-camila-cabello-hiwalay-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=shawn-mendes-camila-cabello-hiwalay-na)