Nakahanap ng paraan ang isang kabataang magsasaka upang hindi masayang ang labis na suplay ng gulay sa kanilang lalawigan na Pangasinan.

Ayon sa ulat, ginamit ni Allan Padilla ang natanggap na tulong pinansiyal mula sa Department of Agriculture upang makabili ng dehydrator machine, vacuum sealer at powderizer machine at makagawa ng masustansiyang meryenda na “pinakbet chips”.

Nalulugi na raw ang mga maggugulay dahil mura na lamang ang kanilang produkto pagdating sa palengke dahil sa dami ng supply.

Saad ni Padilla, kabilang sa binibilad nila sa araw para maging “pinakbet chips” ang talong, okra, kamote, kamatis, sitaw, kalabasa at sigarilyas.

Nilinaw ni Padilla na nananatili ang nutritional value ng mga gulay dahil ang inaalis lamang ng dehydrator machine ang tubig mula sa mga gulay at hindi ang mga sustansiya nito.

The post Sobra-sobrang gulay sa Pangasinan, solb sa ‘pinakbet chips’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sobra-sobrang-gulay-sa-pangasinan-solb-sa-pinakbet-chips1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sobra-sobrang-gulay-sa-pangasinan-solb-sa-pinakbet-chips1)