Pinuna ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang plano ng Presidential Broadcast Staff–Radio Television Malacañang’s (RTVM) na bumili ng walong laptop sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P2.2 milyon.

Ayon kay Sotto, ang mga laptop ay gagamitin sa video editing at para sa “Davao team use’, batay sa briefing material na isinumite sa Senado.

“I was supposed to let it pass because laptops are normally procured by agencies anyway,” sabi ni Sotto sa Senate plenary deliberationsng panukalang 2022 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

“However, when my staff computed the cost of one unit of laptop, I believe it’s worth inquiring now. Based on the aforecited data, one unit of laptop costs 280,000. Parang mahal,” ani Sotto.

Sa pagsasaliksik ng tanggapan ni Sotto, nalaman nilang ang pinakamahal na laptop ay nagkakahalaga ng P190,000 bawat isa.

“Can we get an explanation why the agency will purchase a laptop as expensive as this one and why is it entitled for Davao team use only?” tanong ng vice presidential candidate.

Napag-alamang ang mga laptop ay planong bilhin ay “extremely high end” at gagamitin sa Davao dahil madalas nagpupunta doon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit sa pagpalit umano ng administrasyon, ibabalik din ito sa Malacañang. (Dindo Matining)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Sotto kinuwestiyon P2.2-M pondo ng PCOO para sa laptop first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-kinuwestiyon-p2-2-m-pondo-ng-pcoo-para-sa-laptop/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sotto-kinuwestiyon-p2-2-m-pondo-ng-pcoo-para-sa-laptop)