Dapat umanong isapubliko ang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
“Yes, I think so. He is the president. The people expect transparency in their leaders,” pahayag ni Sotto sa panayam sa ANC.
Huling isinapubliko ni Duterte ang kanyang SALN noong 2017 kung saan nagdeklara siya ng net worth na P28.5 million. Sa kabila ng request para ibunyag ang dokumento, hindi isinapubliko ng pangulo ang kanyang SALN noong 2018 at 2019.
Sabi ni Sotto, dapat “voluntary” ang pagsasapubliko ng SALN ng mga kandidato.
Reaksiyon ito ng vice presidential aspirant sa mungkahi ni Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero, kandidato sa pagka-senador, na dapat ibunyag ng mga kandidato sa national at local election ang kanilang SALN.
Subalit giit ni Sotto, maaring ideklara itong unconstitutional ng Supreme Court kung gagawin requirement sa mga kandidato ang pagdeklara ng kanilang SALN.
Matutulad aniya ito sa ginawang pagbasura ng SC sa mandatory drug testing para sa mga kandidato.
“Remember, in the Dangerous Drugs Act, I placed there a provision that all candidates must undergo drug testing. The Supreme Court shut it down and said it was unconstitutional because in the Constitution, it only says you have to be a Filipino citizen and know how to read and write,” ani Sotto.
“So that will fall under that category. Kapag sinabi natin na lahat ng kandidato kailangan magfile ng SALN, if somebody questions that to SC, meron nang jurisprudence.
The SC will call it unconstitutional. So it has to be voluntary, perhaps voluntary or perhaps it’s up to the candidates,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ng Malacanang na pinapaubaya na ni Duterte sa Office of the Ombudsman ang pag-release ng kanyang SALN sa publiko. (Dindo Matining)
The post Sotto: SALN ni Duterte dapat ilantad sa publiko first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-saln-ni-duterte-dapat-ilantad-sa-publiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sotto-saln-ni-duterte-dapat-ilantad-sa-publiko)
0 Mga Komento