Sugatan ang 2 lalaki matapos na masunog ang isang warehouse ng mga gadgets sa lungsod ng San Juan nitong Lunes, Nobyembre 15.

Nagsimula ang sunog sa kalye ng J.Ruiz sa Barangay Salapan badang alas-3 ng madaling araw, ayon sa ulat ng Unang Balita.

Umabot sa ika-2 alarma ang sunog bago ito ideklarang “under control” mga alas-6 ng umaga.

Nagtamo naman ng first-degree burn ang gwardiya na agad ding isinugod sa ospital. Habang natapilok naman ang kaliwang paa ng isa pa matapos nitong tumalon palabas ng gusali.

Iniimbestigahan ngayon ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog. (Sherrylou Nemis)

The post Sunog sumiklab sa warehouse sa San Juan; 2 sugatan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sumiklab-sa-warehouse-sa-san-juan-2-sugatan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sumiklab-sa-warehouse-sa-san-juan-2-sugatan)