Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ngayong Lunes ang mga tax provision ng panukala na magpapatupad ng reporma sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ilalim ng inaprubahang probisyon, ililibre sa buwis ang retirement benefits at iba pang benepisyo na makukuha ng tauhan ng PCG sa provident fund o mutual benefit association.

Pinapayagan din ang PCG na itabi ang 30% ng makokolekta nitong bayad o multa sa isang special fund.

Ang substitute bill ng House Bill Numbers 4286 at 4287 ay nauna ng inaprubahan ng House Committee on Revision of Laws.

Sa ilalim ng panukala magpapatupad ng reporma at reorganization sa PCG upang mas magampanan ng ahensya ang mga tungkulin nito. Iaayos din ang mga kapangyarihan ng mga opisyales nito at itatakda ang mga kuwalipikasyon at haba ng pagseserbisyo. (Billy Begas)

The post Tax provision ng panukalang reporma sa PCG inaprubahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tax-provision-ng-panukalang-reporma-sa-pcg-inaprubahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tax-provision-ng-panukalang-reporma-sa-pcg-inaprubahan)