Masayang ibinahagi ng singer-songwriter na si Taylor Swift ang sariling bersyon ng kanyang iconic 2012 album.

Sa kaniyang Instagram post nitong Biyerners, inanunsyo ng singer na inilabas na niya ang album na ”Red (Taylor’s Version)”.

https://www.instagram.com/p/CWKdA97Moyf/?utm_medium=copy_link

Aniya, hindi niya raw akalain na posible palang magawan niya ng bersyon ang mga dati niyang album.

“Just a friendly reminder that I would never have thought it was possible to go back ang remake my previous work, uncovering lost art and forgotten gems along the way, if you hadn’t emboldened me,” caption nito sa kaniyang Instagram post.

“Red is about to be mine again, but it has always been ours. Tonight we begin again. Red (my version) is out now,” dagdag pa nito.

Ni-remake ni Taylor ang kanyang mga lumang album sa gitna ng kanyang patuloy na pakikipaglaban upang makuha ng legal ang pagmamay-ari ng kanyang mga lumang kanta.

Matatandaang noong Abril, inilabas niya ang sariling bersyon ng kanyang 2008 album na “Fearless”.

Masaya namang nagdiwang ang kaniyang fans sa Twitter gamit ang hashtag na #RedTaylorsVersion na may higit 700k tweets. (Sherrylou Nemis)

The post Taylor Swift niregaluhan ang fans ng bagong album first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taylor-swift-niregaluhan-ang-fans-ng-bagong-album/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taylor-swift-niregaluhan-ang-fans-ng-bagong-album)