Matapos manorpresa ngayong taon dahil sa kanyang kasal, hindi na maawat si Philippine Basketball Association star Earl Scottie Thompson sa pagbalandra sa kanyang misis na si Jinky.

Kung dati’y panay pahapyaw pa lang ang mga kuha ng Barangay Ginebra San Miguel player sa kabiyak, ngayo’y lantaran na.

May ilang larawang lumabas Miyerkoles ang lumabas na tila kuha sa kanilang prenup photoshoot.

Naganap sa Vera Intramuros sa Manila ang nasabing shoot nitong weekend.

Caption ng Vera, “Sunday afternoon turned brighter with this lovely & kind guest couple. PBA player Earl Scottie Thompson & wife Jinkee Serrano-Thompson.”

May larawan ding suot ng dalawa ang puting suit habang si Jinkee ay may belo pa sa ulo.

The post Thompson niladlad mga litrato ng kasal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thompson-niladlad-mga-litrato-ng-kasal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=thompson-niladlad-mga-litrato-ng-kasal)