Nilisan na ni UAAP Season 82 MVP Soulemane Chabi-Yo ang kampo ng UST Growling Tigers para maglaro sa Europa.

May isa pang taon na natitira si Chabi-Yo para sa UST, ngunit sinira umano ng pandemya ang kanyang mga plano.

“My plan was to finish my playing years in UST before leaving, but since Covid came, that destroyed all the plans,” wika ni Chabi-Yo ayon sa ulat ng The Varsitarian.

“I hope you guys will understand me. Thank you all and thanks to the UST community for the love and support. I wish all the best to the team and also good luck on the upcoming season,” dugtong pa ng Beninese center.

Isang taon lamang naglaro para sa Tigers si Chabi-Yo kung saan nag-average siya ng 17.4 points at 14.3 rebounds, para gabayan ang UST na makarating sa finals bago sila matalo ng Ateneo Blue Eagles. (mjd)

The post UAAP Season 82 MVP nagbabu sa UST first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/uaap-season-82-mvp-nagbabu-sa-ust/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=uaap-season-82-mvp-nagbabu-sa-ust)