Tumukod ang Amerika sa Pilipinas sa insidente sa Ayungin Shoal na kinasasangkutan ng mga sasakyang pandagat ng China.

Kaugnay ito sa pagharang at pagbomba ng water cannon ng ilang barko ng Chinese Coast Guard sa dalawang supply boat ng Pilipinas noong Nov. 16 sa Ayungin Shoal, na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Tinawag ito ng Department of Foreign Affairs na iligal.

“The United States stands with our ally, the Philippines, in the face of this escalation that directly threatens regional peace and stability, escalates regional tensions, infringes upon freedom of navigation in the South China Sea as guaranteed under international law, and undermines the rules-based international order,” saad ni US State Department Spokesperson Ned Price sa inilabas na pahayag kahapon.

The post US tumukod sa Pilipinas vs ‘pagbomba’ ng China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-tumukod-sa-pilipinas-vs-pagbomba-ng-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=us-tumukod-sa-pilipinas-vs-pagbomba-ng-china)