Isang YouTuber star ang nakapagbenta ng halos 97 na garapong naglalaman ng sariling utot sa loob lamang ng dalawang araw.

Inanunsyo ni Stepanka Matto, Czech-American YouTuber, sa kaniyang Instagram account na maaaring bilhin ng kaniyang fans ang sariling utot sa halagang $1,000 o P50,476.

Ayon sa kaniyang post, nagpasya siyang ibenta ang mga nakagarapong utot dahil sa demand ng mga tao. Nagtuturo din siya tungkol sa mundo ng cryptocurrency na may 18+ video tutorial.

“Due to popular demand, I have finally decided to start selling my jarred farts over on my unfiltrd page! Alongside my spicy content, you can now also purchase my farts in a jar! I’m super excited to share this with you all, and after seeing how many people wanted this, I figured I’d finally give the people what they wanted. The sale starts today and lasts only ten days! First 100 orders get their farts 50% off – only $500!” caption ni Matto sa kaniyang Instagram post.

https://www.instagram.com/p/CWdqUuxpjsD/?utm_medium=copy_link

Inanusyo rin ni Matto na tatlo na lang nag natitira dahil naibenta na umano nito ang 97 ng nasabing produkto.

Ibinahagi rin nito sa isang video kung ano ang kaniyang ginagawa bago maglabas ng hangin sa garapon.

https://www.instagram.com/reel/CWoFEbHJxXV/?utm_medium=copy_link

(Sherrylou Nemis)

The post Utot sa garapon for sale: YouTuber ibinibenta sariling utot sa fans first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/utot-sa-garapon-for-sale-youtuber-ibinibenta-sariling-utot-sa-fans/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=utot-sa-garapon-for-sale-youtuber-ibinibenta-sariling-utot-sa-fans)