Ang salitang ‘vax’ ang pinili ng Oxford English Dictionary bilang 2021 word of the year.

Ayon sa Oxford, ang vax ay bihira gamitin noong mga nakaraang taon, ngunit nitong Setyembre 2021 lamang ay 72 beses na mas ginamit ang naturang salita kumpara sa parehong buwan noong 2020.

Bukod dito, kitang-kita rin ang paglawak ng paggamit sa vax dahil mula rito ay may nagawa pang ibang termino.

“From vax sites and vax cards to getting vaxxed and being fully vaxxed, no word better captures the atmosphere of the past year than vax,” saad ng Oxford.

Ang pagpili sa vax ay kasunod din ng pag-ratsada ng pagbabakuna sa iba’t-ibang bansa.

Noong 2020 ay walang napiling word of the year ang Oxford dahil wala umanong isang salita na sasapat para ilarawan ang nasabing taon. (mjd)

The post ‘Vax’ word of the year ng Oxford Dictionary first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vax-word-of-the-year-ng-oxford-dictionary/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vax-word-of-the-year-ng-oxford-dictionary)