Nakauwi na sa Pilipinas ngayong Martes ang vice presidential aspirant ng Partido Lakas ng Masa (PLM) na si Walden Bello.

Si Bello ay galing US, kung saan siya ay nagtuturo ng sociology sa State University of New York at Binghamton.

Alinsunod sa health protocol, si Bello ay sasailalim muna sa quarantine sa isang hotel.

Si Bello ay tahasang kumokontra sa administrasyong Duterte at tangkang pagbabalik sa kapangyarihan ng mga Marcos, sa pangunguna ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Siya ang magsisilbing running-mate ni presidential aspirant Ka Leody De Guzman. (mjd)

The post VP bet Walden Bello nakabalik na sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-bet-walden-bello-nakabalik-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vp-bet-walden-bello-nakabalik-na-sa-pinas)