Isang araw matapos na maghain ng kanyang certificate of candidacy, naglabas ng video si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio kaugnay ng kanyang pagtakbong bise presidente.

Sinabi ni Carpio na matapos itong magdesisyon na hindi tumakbo sa pagkapangulo, nagpatuloy ang mga panawagan ng kanyang mga supporter na siya ay tumakbo sa national position.

“I have thousands of supporters who cried last October 8 and I cannot find it in my heart to make them cry again on November 15,” sabi ni Carpio na ang pinatutungkulan ay ang deadline para sa substitution ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Matapos umano ang deadline ng paghahain ng COC noong Oktobre 8, sinabi ni Carpio na nabuksan ang oportunidad upang siya ay tumakbong VP.

“The offer to run for vice president became an opportunity to meet you halfway,” sabi ng alkalde. “It’s a path that would allow me to heed your call to serve our country and make me a stronger person and public servant in the years that lie ahead.”

Nanawagan si Carpio sa kanyang mga suporter na manatiling mahinahon at hayaan ang PDP-Laban na ayusin ang kanilang problema.

“The problems of PDP are their own. Let them resolve the issues within their party. This is all politics and this will not matter in the years to come, or even now when what we need to focus on is our country’s recovery and the people’s welfare. So let us be circumspect and stay the course, focused on forging relationships to unite for the good of our country,” dagdag pa ng alkalde.

Sa kanyang pagtatapos ay sinambit ni Carpio ang salita ni Brahma Kumaris “The drama of life consists of elements of both destiny and freedom of choice. Mahal ko po kayo. Mahalin po natin ang Pilipinas. Shukran.”

Walang binanggit si Caprio kaugnay ng pag-endorso sa kanya ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang partido ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr., na tumatakbong pangulo. (Billy Begas)

The post VP bid ni Mayor Sara tugon niya sa sigaw ng mga taga-suporta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-bid-ni-mayor-sara-tugon-niya-sa-sigaw-ng-mga-taga-suporta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vp-bid-ni-mayor-sara-tugon-niya-sa-sigaw-ng-mga-taga-suporta)