Sumablay si Jimmy Butler sa kanyang game-tying three-pointer sa dulo ng laro at itinakas ng Washington Wizards ang 103-100 panalo kontra Miami Heat ngayong Linggo.

Nanguna para sa Wizards si Bradley Beal sa kanyang 21 points at siyam na assist, habang may tig-16 points sina Kentavious Caldwell-Pope at Spencer Dinwiddie.

Ngunit ang dalawang free throw ni Kyle Kuzma ang nagbigay sa Wizards ng tatlong puntos na lamang sa huling 12 segundo kung saan nabigong makatabla ang Miami.

Bagamat sablay sa kanyang panablang tres ay binuhat naman ni Butler ang Heat sa kanyang 29 points, habang mag 20 points si Tyler Herro at may 15 points si Bam Adebayo.

Gumanda ang kartada ng Wizards sa 11-5, habang 11-6 naman ang Heat, parehong nasa ibabaw ng Eastern Conference. (mjd)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Wizards lusot sa Heat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wizards-lusot-sa-heat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wizards-lusot-sa-heat)