Pagkalabas sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup semi-bubble sa Bacolor, Pampanga, hindi tumigil sa pagpapakondisyon ang San Miguel Beer guard na si Paul Christian Zamar.

Hindi pinalad ang Beermen na makabalik sa finals nang hakbangan ng TNT sa kanilang knockout Game 7 semifinals.

Sa mga instagram story ng 34-anyos, may taas na 5-10 na shooting guard, laging laman ng mga video niya ang pagbubuhat kahit madaling araw na.

“Burning some midnight oil,” sambit Martes ng basketbolistang tubong Mandaluyong sa ibinahaging post sa ala-1:10 nang umaga.

Dinagdag pa niyang, “anytime is fine for the motivated. No excuses.”

The post Zamar kayod sa madaling araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/zamar-kayod-sa-madaling-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=zamar-kayod-sa-madaling-araw)