Nakapagtala na ng isang patay ang bansang Australia na dulot ng bagong COVID variant na Omicron noong Linggo.

Ayon sa ulat, ang biktima ng Omicron ay isang lalaking nasa 80 anyos na at taga-Sidney.

“He had received two doses of a COVID-19 vaccine and had underlying health conditions,” saad sa pahayag ng New South Wales health department.

“This is the first known death in NSW linked to the Omicron variant of concern,” dagdag pa nito.

Naitala sa bansang Australia noong Linggo ang 6,324 na bagong kaso ng COVID, na mula sa 97,000 test na isinagawa.

The post 1 patay dahil sa Omicron sa Australia first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-patay-dahil-sa-omicron-sa-australia1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-patay-dahil-sa-omicron-sa-australia1)