Umabot sa 100 milyong dosis na ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng Department of Health nitong Biyernes, tinatayang nasa kabuuang 100,013,599 dosis na ang naipamigay sa mga Pilipino.

Hindi bababa sa 1 milyon ang mga booster shot na naiturok.

Samantala, plano ng gobyerno na ma-fully vaccinate ang 70 porsyentong target o 50 milyong indibidwal bago matapos ang taon.

Ngunit, ipinagpaliban ang second round ng Bayanihan Bakunahan sa ilang lugar sa bansa dahil sa bagyong Odette.

The post 100M dosis ng Covid 19 bakuna naiturok na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/100m-dosis-ng-covid-19-bakuna-naiturok-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=100m-dosis-ng-covid-19-bakuna-naiturok-na)