Apat pa lamang sa 11 miyembro ng pamilya ang narekober sa pagguho ng lupa sa Barangay Kioya, Sibagat, Agusan del Sur.

Kasunod ito ng pananalasa ng bagyong Odette sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.

11 miyembro ng pamilya Cabalquinto sa Sibagat ang nalibing sa landslide habang patungo sa evacuation center noong Huwebes.

Ayon sa ulat, nabagsakan muna ang mga biktima ng puno saka nalibing sa kumalas at rumagasang lupa.

Kabilang sa nalibing ang isang sanggol na anim na buwang gulang.

Isang miyembro lamang ng pamilya ang nakaligtas sa trahedya nang unahin niyang tanggalin ang isang nabunot na puno na muntik nang bumagsak sa kanilang bahay.

Ito ang dahilan ng paglikas ng nasabing pamilya.

The post 11 miyembro ng pamilya kasama sanggol nalibing sa Agusan landslide first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11-miyembro-ng-pamilya-kasama-sanggol-nalibing-sa-agusan-landslide/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11-miyembro-ng-pamilya-kasama-sanggol-nalibing-sa-agusan-landslide)