Inilabas ng PBA ang 12 manlalaro na kanilang magiging ambassador para sa gaganaping East Asia Super League (EASL).
Ang 12 ay kinuha mula sa 12 koponan ng liga.
Ang mga ito ay sina Paul Lee, Scottie Thompson, Jeron Teng, RR Pogoy, Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Matthew Wright, Chris Newsome, Juami Tiongson, Kevin Ferrer, Baser Amer at Kevin Alas.
Isanama rin sa espesyal na listahan ng mga ambassador si Jared Dillinger matapos mag-viral ang kanyang mga video habang nasa PBA bubble.
“There is something about international competitions. Bragging rights are on the line going up against Asia’s best clubs,” wika ni Dillinger.
“The extra cherry on top is representing your country. It brings out your competitive nature and the pride of proving you’re better. EASL will bring people together. Fans from different countries will be under one roof and I’m excited for the PBA and EASL joining forces,” dagdag pa niya.
Sa EASL ay magsasabong ang mga koponan mula sa mga professional league sa silangang Asya sa isang home-and-away format. (mjd)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/12-pba-ambassador-para-sa-easl-pinangalanan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=12-pba-ambassador-para-sa-easl-pinangalanan)
0 Mga Komento