Sinubukan umano ng isang 18 taong gulang na pasabugin ang kaniyang sarili sa isang kumbento sa Moscow nitong Lunes

Sugatan naman ang isang 15 taong gulang sa pagsabog na naganap sa lungsod ng Serpukhov sa timog ng Moscow.

Sinabi ng ministeryo, pumasok sa Orthodox gymnasium ng Vvedenskiy Vladychniy convent ang 18-anyos at pinasabog ang kanyang sarili.

Dagdag pa riyan, graduate umano sa Educational Institution sa nasabing kumbento ang lalaki.

Ayon sa impormasyon, hindi naman nasawi sa pagsabog ang suspek ngunit hindi pa malinaw ang dahilan nito sa pangbo-bomba sa sarili.

Agad ding inilikas ang mga kawani ng paaralan.

Nagpadala na ng mga detective ang Investigative Committee sa pinangyarihan ng nasabing insidente.

The post 18-anyos binomba ang sarili sa loob ng kumbento first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/18-anyos-binomba-ang-sarili-sa-loob-ng-kumbento/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=18-anyos-binomba-ang-sarili-sa-loob-ng-kumbento)