Inihatid na ang mahigit isang milyong doses ng bakunang Pfizer na binili ng pamahalaan sa Estados Unidos.

Nasa kabuuang 1,017,900 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa Ninoy International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Huwebes ng gabi.

Ilalaan ang mga biniling bakuna sa gaganaping part two ng national vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17.

Samantala, nitong Martes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa kabuuang 38.1 milyong Pilipino ang nakakumpleto na sa mga kinakailangang dosis ng bakuna laban sa COVID-19.

The post 1M Pfizer na binili sa Estados Unidos, dumating na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1m-pfizer-na-binili-sa-estados-unidos-dumating-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1m-pfizer-na-binili-sa-estados-unidos-dumating-na-sa-pinas)