Sa kabila ng ilang dekadang pagkontrol ng pamilya Duterte sa Davao City, may dalawang personalidad ang mangangahas na harapin ang dalawang anak ng pangulo sa darating na halalan.

Tatakbong mayor si Atty. Rey Elias Lopez, habang kakandidato namang kinatawan ng unang distrito ng lungsod si Maria Victoria Maglana.

Kaya naman, sasagupain ni Lopez si Sebastian, habang makakalaban naman ni Maglana si Paolo – mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Lopez ay nanungkulan na bilang kinatawan ng ikatlong Distrito ng Davao City, at nais umano niyang ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ama na si Elias Lopez, na dating naging mayor ng lungsod bago si Pangulong Duterte.

“It’s up to them, the people, to choose me or the political dynasty,” saad ni Lopez sa panayam ng Inquirer.

Gaya ni Lopez, nais din ni Maglana na magkaroon ng pagpipilian ang mga taga-Davao City.

Bukod kina Sebastian at Paolo, ang iba ang miyembro ng kanilang pamilya ay tatakbo sa 2022. Isa na rito ang Pangulong Duterte na tatakbong senador at si Sara Duterte-Carpio na kumakandidatong bise presidente. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post 2 anak ni Duterte may kalaban sa halalan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-anak-ni-duterte-may-kalaban-sa-halalan2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-anak-ni-duterte-may-kalaban-sa-halalan2)