Sugatan ang dalawang mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinasakyang bangka sa Davao Oriental.

Naganap ang pagsabog sa baybayin ng Barangay Macambol bandang alas-11 ng tanghali.

Ayon sa awtoridad, agad din namang isinugod sa pagamutang ang dalawang mangingisda.

Kinilala ang dalawa na sina Caesar Alterado, 40, at John Mark Mamintong, 25, na nagtamo ng mga sunog sa katawan.

Nagtamo si Alterado ng first degree burn sa katawan; mga paltos sa mukha, kanang braso, at kanang bahagi ng dibdib.

Habang si Mamintong ay nagtamo ng second degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan at mukha; at nahirapang huminga.

Ayon sa imbestigasyon, nagkakarga umano sina Mamintong at Alterado ng mga suplay sa kanilang bangka sa dalampasigan nang mangyari ang pagsabog. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post 2 mangingisda sugatan sa pagsabog ng boat engine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-mangingisda-sugatan-sa-pagsabog-ng-boat-engine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-mangingisda-sugatan-sa-pagsabog-ng-boat-engine)