Nanawagan ang isang solon sa Chinese company na Xiaomi na i-recall ang dalawang cellphone model nito na mayroong dead boot issue.

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles maraming kostumer na ang nagrereklamo sa nabili nilang Redmi 9T at Poco M3, mga model ng Xiaomi.

“Xiaomi’s steps to address the issue are not just too late but also too inconvenient. The dead boot issue has been happening for months and what they are offering are just repair or replacement with the same model,” sabi ni Nograles sa isang pahayag.

Ang dead boot ay kapag ang cellphone ay hindi pa-power on at hindi nade-detect kapag ikinabit sa computer. Ang problema ay sanhi ng sira sa boot area.

Sinabi ni Nograles na dapat ay bigyan ng opsyon ang mga bumili na i-refund ang kanilang ibinayad.

“We don’t know if the other units that are currently not affected by dead boot will have issues in the future. The consumer will be put in a worse situation if it happens beyond the warranty period. This is why we call on Xiaomi to recall the phones instead and make things right,” dagdag pa ng solon.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Nograles dahil maaaring may mga estudyante na hindi nakakapag-aral ngayon dahil sa problema ng kanilang nabiling Xiaomi. (Billy Begas)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post 2 model ng Xiaomi cellphone pinare-recall ng solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-model-ng-xiaomi-cellphone-pinare-recall-ng-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-model-ng-xiaomi-cellphone-pinare-recall-ng-solon)