Nasawi ang dalawa habang nawawala naman ang dalawa pa matapos na wasakin ng bagyong Odette ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa spokesperson ng Philippine National Police (PNP) na si Police Col. Rhoderick Alba, dalawa ang naiulat na nawawala sa Western Visayas habang may dalawang tao ang naiulat na namatay sa hilagang Mindanao.

Aniya, ang mga ulat na naitala ay base sa pinagsama-samang datos na isinumite ng mga lokal na puwersa ng pulisya.

Dagdag pa ni Alba, nasa 152 lugar na ang binaha, karamihan sa mga ito sa hilagang Mindanao, Eastern Visayas at Central Visayas. At kabuuang 154 na lugar din ang naiulat na nawalan ng suplay ng kuryente.

Samantala, sinabi ni Alba na halos 14,000 pulis ang itinalaga sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette, kabilang ang mga search and rescue team.

The post 2 patay, 2 nawawala dahil sa bagyong Odette first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-patay-2-nawawala-dahil-sa-bagyong-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-patay-2-nawawala-dahil-sa-bagyong-odette)