Nasawi ang dalawang pulis at dalawang indibidwal matapos na sumiklab ang isang shootout sa North Cotabato.

Ayon sa Police Regional Office – Soccsksargen (PRO-12), naganap ang palitan ng putok sa isang kainan sa kahabaan ng highway sa Barangay Bialong sa bayan ng M’lang bandang alas-5:30 ng umaga.

Sinabi ni Director Brig. Gen. Alexander Tagum, dalawa sa mga nasawi ay mga pulis na nakasuot ng sibilyan na nakatalaga sa Kidapawan City, habang ang dalawa naman ay ang magkapatid na nagmamay-ari sa kainan

Kinilala ang mga kapulisan na sina Master Sgt. Fletcherlyn Dominic Pido at Staff Sgt. Arman Alquiza Bada.

Ang magkapatid naman ay sina John Kevin Papna, 35, at Jerson Rey Papna, 26.

Batay sa ulat, pumunta ang mga pulis sa kainan para ihatid ang warrant of arrest laban sa magkapatid ayon sa utos ng Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan City nang sumiklab ang shootout.

Matapos ang insidente, natagpuang nakahandusay ang katawan ng apat malapit sa kainan.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang M’lang municipal police office at North Cotabato police office tungkol sa insidente.

The post 2 pulis, 2 iba pa dedo sa shootout sa North Cotabato first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pulis-2-iba-pa-dedo-sa-shootout-sa-north-cotabato/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-pulis-2-iba-pa-dedo-sa-shootout-sa-north-cotabato)