Tila naghiganti ang mga unggoy sa mga aso sa India.

Ayon sa New York Post report, isang baby monkey daw kasi ang pinatay ng mga aso kaya niresbakan sila ng mga unggoy.

Nasa 250 aso ang binitbit ng mga unggoy paitaas ng mga gusali at puno saka hinuhulog.

Sabi pa ng mga residente sa Beed district at kalapit na Lavool village, may 300 milyang layo sa silangan ng Mumbai, na walang asong nakaligtas sa ngitngit ng mga unggoy.

Nag-ugat daw ito isang buwan na ang nakalipas nang patayin ng ilang aso ang isang baby monkey at mula noon, kapag nakakaispat ang mga unggoy ng mga aso ay dinudukot at binibitbit ng mga ito sa matataas na lugar saka ihuhulog.

Nagpasaklolo na umano ang mga residente sa forest department ngunit walang nangyari at wala ni isang unggoy ang nahuli.

Halos lahat daw ng tuta sa Beed district ay napatay na ngunit hindi pa rin humihinto sa kanilang killing spree ang mga unggoy at ngayon ay mga bata namang papunta sa eskuwelahan ang tinatarget.

The post 250 aso minasaker ng mga unggoy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/250-aso-minasaker-ng-mga-unggoy1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=250-aso-minasaker-ng-mga-unggoy1)