Tumaas ang bilang ng mga namatay sa 258, habang 47 naman ang nawawala pa rin matapos na bayuhin ng malakas na Bagyong Odette ang ilang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa mga nasawi at nawawala, mayroong 568 indibidwal ang sugatan dahil sa nasabing sakuna.

Dagdag ng NDRRMC, tinatayang nasa P2.5 bilyon ang pinsala sa mga imprastraktura.

Habang ang pagkalugi naman sa pananim ay nasa P1.15 bilyon.

Samantala, nagdeklara na ng state of calamity ang anim na rehiyon sa bansa, ito ay ang: Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga.

The post 258 namatay, 47 nawawala pa rin dahil kay ‘Odette’ — NDRRMC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/258-namatay-47-nawawala-pa-rin-dahil-kay-odette-ndrrmc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=258-namatay-47-nawawala-pa-rin-dahil-kay-odette-ndrrmc)