Isang magsasaka ang nakakita ng tatlong live na tank rocket sa liblib na lugar sa Alamada, North Cotobato.

Ayon sa Commander ng 34th Infantry Battalion ng Army na si Lt. Col. Edgardo Vilchez, natagpuan ng hindi kilalang magsasaka ang tatlong tubo sa ilalim ng nabubulok na kahoy sa Rangayen nitong Miyerkoles ng hapon.

Aniya, agad na inalerto ng magsasaka ang mga sundalo upang hindi ito mapunta sa iba pa.

Dagdag pa ng magsasaka sa mga sundalo na wala siyang ideya kung sino ang nagmamay-ari ng mga rifle grenade at kung bakit ito itinago sa kanyang sakahan.

Nasa 34IB headquarters sa Barangay Salunayan ang mga rocket para sa safekeeping.

The post 3 tubo ng granada natagpuan sa North Cotobato first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-tubo-ng-granada-natagpuan-sa-north-cotobato/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-tubo-ng-granada-natagpuan-sa-north-cotobato)