Nasawi ang apat habang sugatan naman ang 15 na iba pa sa isang aksidente sa kalsada ng Talisay sa Cebu.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga nasugatan sa aksidente.

Ayon sa awtoridad, hindi na umabot sa ospital ang apat na namatay habang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang driver.

Batay footage sa CCTV sa lugar, anim na four-wheel na sasakyan at limang motorsiklo ang sangkot sa insidente.

Makikitang inararo ng isa sa mga truck ang iba pang sasakyan sa kahabaan ng N. Bacalso Avenue sa Lawaan 3.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung sino ang dapat managot sa nasabing aksidente.

The post 4 todas, 15 sugatan sa askidente sa kalsada sa Cebu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-todas-15-sugatan-sa-askidente-sa-kalsada-sa-cebu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-todas-15-sugatan-sa-askidente-sa-kalsada-sa-cebu)