Nakapagtala ng limang bagong kaso ng Omicron variant sa New York, United States nitong Huwebes.

Kinumpirma ito ni Governor Kathy Hochul sa kaniyang Twitter account.

“New York State has confirmed five cases of the omicron variant,” pahayag ni Hochul.

Ngunit sinigurado rin nito na may kakayahan ang kanilang pamahalaan para maagapan ang lalong paglaganap ng Omicron.

“Let me be clear: This is not cause for alarm. We knew this variant was coming and we have the tools to stop the spread. Get your vaccine. Get your booster. Wear your mask,” paalala nito.

Sa kabilang banda, ang midwestern US state ng Minnesota ay nag-anunsyo na may isa pang kaso ng Omicron coronavirus variant sa lugar, sa pagkakataong ito sa isang lalaking walang kamakailang international travel history.

Galing umano ng isang anime convention sa New York ang lalaki, at noong Nobyembre 22 nagsimula na ito magpakita ng sintomas.

Samantala, pumalo na sa walo ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng bagong variant sa US. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post 5 bagong kaso ng Omicron variant nakumpirma sa New York first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-bagong-kaso-ng-omicron-variant-nakumpirma-sa-new-york/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-bagong-kaso-ng-omicron-variant-nakumpirma-sa-new-york)