Nasawi ang limang miyembro ng isang pamilya matapos itong matabunan ng lupa dahil sa landslide na dulot ng bagyong Odette sa Agusan del Sur.

Ayon sa mga awtoridad, lumilikas umano ang pamilya nang mangyari ang landslide at nalibing sa lupa ang mga ito nitong Huwebes.

Nagsagawa naman ng search and rescue operation ang local officials sa Barangay Kioya.

Narekober ang mga bangkay ng mga biktima na nasa edad 12 hanggang 23 habang nakuha rin ang binti ng isa pa.

Samantala, pinaghahanap pa ang mga bangkay ng iba pang miyembro ng pamilya. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post 5 miyembro pamilya patay matapos matabunan sa landslide sa Agusan del Sur first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-miyembro-pamilya-patay-matapos-matabunan-sa-landslide-sa-agusan-del-sur/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-miyembro-pamilya-patay-matapos-matabunan-sa-landslide-sa-agusan-del-sur)