Natagpuan na ang lima pa sa walong biyaherong pinaghahanap na galing sa South Africa nitong Biyernes.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na-locate na ng mga awtoridad ang lima habang pinaghahahanap ang dalawa pa.

Kamaikalan lang, natagpuan na rin ang isang biyahero na naka-home quarantine at nag-negatibo sa RT-PCR test.

Aminado si Vergeire na nahirapan sila mahanap ang mga biyahero dahil umano sa pagbibigay ng mga ito ng maling impormasyon.

Plano naman kasuhan ang mga ito kung mapapatunayan na sinadya ang pagbibigay ng maling detalye.

The post 5 sa 8 biyaherong mula South Africa natagpuan na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-sa-8-biyaherong-mula-south-africa-natagpuan-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-sa-8-biyaherong-mula-south-africa-natagpuan-na)