Dumating na ang mahigit 500 libong Pfizer vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Inihatid ang bakuna kontra COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Huwebes ng gabi.

Tinatayang 556,500 doses ang kabuuang bilang ng mga bakunang dumating sa bansa.

Samantala, base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, umabot na sa 99,139,602 dosis ang naiturok sa mga indibidwal sa ‘Pinas.

The post 500K biniling Pfizer vaccine ng gobyerno inihatid na sa NAIA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/500k-biniling-pfizer-vaccine-ng-gobyerno-inihatid-na-sa-naia/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=500k-biniling-pfizer-vaccine-ng-gobyerno-inihatid-na-sa-naia)