Pinalagpas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong hiringgilya kontra COVID-19, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Sabado.

Sinabi ni Locsin sa kaniyang Twitter account na tinalakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga hiringgilya ngunit tumanggi ang mga ahensya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye.

“We dropped the ball again; this time offer of 50 million syringes. Discussed the need in Washington DC and got a response prepared to go into details with PH agencies but they refused to discuss the ball let alone catch it. First Pfizer, then Moderna. Ok, I see the pattern,” pahayag ni Locsin sa kaniyang Twitter account.

Nagkomento naman si presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson na dapat umano ay nakinig ang gobyerno kay Locsin.

“Again? Even if they refuse to appreciate the efforts, at least they should listen to you,” komento ni Lacson.

Batay naman sa tugon ni Locsin, sinabi nito na hindi siya umaasa na may makikinig sa kanya.

“No, I don’t expect anyone of them to listen to me; but now I know not to waste my time with them and embarrass myself that way,” tugon ni Locsin.

Samantala, noong nakaraang taon ay inilantad ni Locsin ang naudlot na kasunduan sa pagkuha ng mga bakuna para sa COVID-19 mula sa Pfizer dahil umano sa mishandling.

The post 50M hiringgilya vs COVID pinalagpas ng ‘Pinas — Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/50m-bakuna-vs-covid-19-pinaglapas-ng-pinas-locsin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=50m-bakuna-vs-covid-19-pinaglapas-ng-pinas-locsin)