Pinagpapaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nasa 52 tindahan at supermarket sa Bohol matapos maiulat na hindi sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad na price freeze sa naturang lalawigan.
Ang price freeze ay itinaas matapos sagasaan ng bagyong Odette ang Bohol at iba pang mga lugar sa bansa.
Ayon kay DTI-Bohol director Maria Soledad Balistoy, nadiskubre nila na 52 sa 104 establisyimento sa lalawigan ang lumagpas sa price cap. Binigyan ang mga ito ng isang linggo upang ipaliwanag ang pagsuway nila sa price freeze.
“After we issue them the show cause order, we will come back and check if their prices are adjusted,” wika ni Balistoy. “If the prices of goods do not change or unjustified, a notice of violation will be served.”
Babala ng DTI, maaaring makulong ng mula isa hanggang 10 taon ang mga mapapatunayang lumabag sa kanilang patakaran at maaari ring pagmultahin ng mula P5,000 hanggang P1 milyon. (mjd)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/52-tindahan-sa-bohol-pasaway-sa-price-freeze/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=52-tindahan-sa-bohol-pasaway-sa-price-freeze)
0 Mga Komento